Inanunsyo ng basketball player na si Scottie Thompson ang pagbubuntis ng kaniyang misis na si Jinky Serrano, na mababasa sa kaniyang Instagram post ngayong Sabado, Oktubre 14.

Ipinakita ni Thompson ang larawan nilang mag-anak habang ipinakikita ni Jinky ang larawan ng ultrasound result. Tatlong buwang buntis na pala si Jinky. Batay sa mga larawan ay nasa Japan sila para sa bakasyon. Ito raw ang unang beses na nakapag-out of the country ang panganay nilang anak na si Scot Alystair o "Aster."

"Aster's first out of the country experience. Vacay mode! TYL!," ani Thompson sa caption.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

At sa isa pa ngang Instagram post ay ibinahagi na ng basketball player ang magandang balita.

Back to back blessing!🙏🏽👼🏼 kuya na si @asterthompson_ namin😍 Thank you Lord for Your overflowing grace!☝🏼#3monthsPreggy #TheThompsons," aniya.

Nagpaabot naman ng mga pagbati ang mga kaibigan at netizens para sa kanilang mag-anak.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagpapakasal nina Scottie at Jinky matapos ang hiwalayan ng una sa kaniyang ex-partner na si Pau Fajardo.

MAKI-BALITA: Fans, na shock kay Ginebra player Scottie Thompson! Nag-propose sa isa, kinasal sa iba

MAKI-BALITA: Scottie Thompson, ‘best decision ever made’ ang pagpapakasal kay Jinky