Kaugnay ng nakaambang nationwide transport strike bilang pagprotesta sa modernization program ng pamahalaan, nagdeklara ng suspensiyon ng face-to-face classes ang ilang mga lugar sa bansa.
Narito ang mga unibersidad o lugar na nagsuspinde ng kanilang face-to-face classes:
- Adamson University (Oktubre 16-17)
- Ateneo de Manila University (Oktubre 16)
- De La Salle University – Manila (Oktubre 16)
- Far Eastern University (Oktubre 16)
- Lyceum of the Philippines University Manila (Oktubre 16)
- Manila Tytana Colleges (Oktubre 16)
- National University (Oktubre 16)
- Our Lady of Fatima University - Laguna at Pampanga (Oktubre 16)
- Polytechnic University of the Philippines (Oktubre 16)
- San Beda University - Manila at Rizal (Oktubre 16)
- UERM Memorial Medical Center (Oktubre 16)
- University of Santo Tomas (Oktubre 16)
- University of the East – Manila at Caloocan (Oktubre 16)
LAHAT NG ANTAS (Public at Private schools)
- Caloocan City (Oktubre 16)
- Malabon City (Oktubre 16)
- Las Piñas City (Oktubre 16)
- Marikina City (Oktubre 16)
- Parañaque City (Oktubre 16)
- Pasay City (Oktubre 16)
- Pampanga (Oktubre 16-17)
- General Mariano Alvarez, Cavite (Oktubre 16)
- Biñan City, Laguna (Oktubre 16)
- Los Baños, Laguna (Oktubre 16)
- Santa Rosa, Laguna (Oktubre 16)
- San Pedro City, Laguna (Oktubre 16)
- Cabuyao City, Laguna (Oktubre 16)
- Calamba City, Laguna (Oktubre 16)
- Binangonan, Rizal, maliban sa Cluster 2 at District 4 Public Schools (Oktubre 16)
- Morong, Rizal (Oktubre 16-17)
- Taytay, Rizal (Oktubre 16)
Pansamantala naman umanong ililipat sa online/modular ang moda ng klase sa mga nasabing lugar.
[I-refresh lamang ang page na ito para sa #WalangPasok updates]
Bakit may transport strike?
Ayon sa transport group na Manibela, ang kanilang isasagawang tigil-pasada sa susunod na linggo ay bahagi ng kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, na pinangangambahang magdudulot ng pag-phaseout sa mga tradisyunal na public utility vehicle sa bansa.
"Tuloy na tuloy dahil ‘yung nakaamba rin na deadline sa amin na December 31," ani Manibela chairperson Mar Valbuena.
Hindi ito ang unang beses na naglunsad ng malawakang tigil-pasada ang transport groups dahil sa pagtutol nila sa jeepney phaseout.
Matatandaang Marso 6, 2023 nang simulan ng iba't ibang grupo ang kanila sanang isang linggong tigil-pasada.
Samantala, nagbalik-biyahe rin ang transport groups noong Marso 8, 2023 matapos makipag-dayalogo ang Malacañang at inurong ang pagpapatupad ng naturang modernization program hanggang sa Disyembre 31, 2023.
https://balita.net.ph/2023/03/07/piston-manibela-balik-biyahe-na-bukas-walang-phaseout/?fbclid=IwAR2VTsLCRpgkKa3wChw1jKIGXReCu7qnqO-xTKn7BI4EkMYRUJzHhzGY8Ns