Nag-aalok ng ₱25 kada kilong bigas ang 'Bigasan ng Bayan' sa Negros Occidental.

Sa pahayag ni Governor Jose Lacson, nagkaroon ng kasunduan ang Negros Occidental provincial government at Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System (FIACN-BRIS) upang magbenta ng murang bigas sa Food Terminal Market sa Bacolod City simula nitong Huwebes, Oktubre 12.

Malaki aniya ang naitulong ng irrigators’ association para sa implementasyon ng programa na pakikinanabangan ng mga residente ng lungsod.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang naturang samahan ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Bago City at sa ilang karatig na local government unit.

“They are willing to share with the community. They want to help the consumers,” sabi pa ng  gobernador.

PNA