QUEZON - Patay ang driver ng isang van at kanyang pasahero matapos mabangga ng kanilang sasakya  ang isang 10-wheeler truck sa Maharlika Highway, Barangay Sta. Maria, Calauag nitong Sabado ng umaga, Oktubre 14.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa report ng Calauag Municipal Police Station, ang mga nasawi ay sina Sajad Murajie, 40, taga-Tinambac, Camarines Sur, at Danny Cruz, 60, taga-Maynila. 

Sugatan naman sina Robert Segador, 35, driver ng trak, at taga-Brgy. Pasong Kawayan, Gen Trias, Cavite, at Sunshine Bandin, 32, taga-Brgy. Antipolo, Tinambac, Camarines Sur. 

Si Bandin ay isa sa pasahero ng van. 

Naipit si Murajie sa driver's seat na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. 

Dead on arrival naman sa ospital si Cruz.

Isinailalim naman sa hospital arrest si Segador na nakaratay pa rin sa St. Peter General Hospital, ayon sa pulisya.

Sa paunang report, tinatahak ng truck na may plakang CBQ 9632 ang Maharlika Highway patungong Bicol nang biglang sumalpok ang kasalubong na Toyota Hi-Ace van (DAC 9091) na minamaneho ni Murajie matapos mawalan ng kontrol.