Anim na mangingisda ang nailigtas sa Romblon matapos masiraan ang kanilang bangka sa karagatang bahagi ng General Nakar, Quezon kamakailan.
Sa report ng PCG, nakilala ang anim na sina Carlito Forcadas, Jr., 56; Joseph Rondina, 42; Bobby Erato, 40; Rodil Montecalvo, 40; Greg Valler, 39; at Nonoy Ojastro, 24, pawang taga-Barangay Casay, San Francisco, Quezon.
Sa report ng Coast Guard, umalis ang anim sa kanilang lugar nitong Oktubre 8 ng hapon upang mangisda sa pagitan ng karagatang sakop ng Brgy. Pagsangahan, Quezon at San Pascual, Masbate City.
Nang pauwi na ang mga ito kinabukasan ng madaling araw ay biglang pumalya ang makina ng kanilang bangka.
Probinsya
72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder
Matapos 54 oras, nailigtas din ang mga ito ng ibang mangingisda malapit sa Brgy. Agbudia, Romblon, Romblon nitong Oktubre 11.
Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad ding tinulungan ng Coast Guard Sub-Station Romblon (CGSS) ang anim na mangingisda.