Ipinamalita ng social media personality na si Whamos Cruz ang pagkikita nila ni Joselito Achacoso, 55-anyos mula sa Bohol, na sinasabing kamukha raw niya at mapagkakamalan silang mag-ama.

Sa mismong vlog ni Whamos, itinampok niya ang personal na pagtungo sa bahay ni Joselito sa Bohol upang makaharap ito. Aniya, matagal na raw niyang gustong makita ang nabanggit na tatay dahil maraming nagta-tag sa kaniya, na para daw silang pinagbiyak na bunga.

Naging emosyunal naman si Joselito nang makaharap ang "anak."

"Matagal ko nang pangarap na makita kita. Ngayon natupad na ang pangarap ko. Wala akong masasabi kundi mag-ingat ka," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nangako naman si Whamos na tutulungan sa pagba-vlog ang "ama."

Ang tunay na tatay ni Whamos ay si Tikyo Cruz, na lumabas sa pelikulang "Daddy's Girl."

Matatandaang bukod kay Joselito, nabalita na rin ang pagkakaharap ni Whamos at ang kaniyang "long-lost sister" na talagang kamukhang-kamukha rin niya.

MAKI-BALITA: ‘Pinagbiyak na bunga?’ Whamos, nakaharap na ang ‘kambal’ na si Whamsy