Marami ang nalungkot at nabigla nang biglang matsugi na ang karakter ni Diamond Star Maricel Soriano sa panghapong seryeng "Pira-pirasong Paraiso," isa sa mga kauna-unahang kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5 pagdating sa production ng isang proyekto gaya ng teleserye.

Matatandaang kapapasok lamang ng karakter ni Marya na si "Amanda Paraiso," ang lola ng mga karakter nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Loisa Andalio sa kuwento.

Inabangan pa naman ng mga netizen at manonood ang napipintong bakbakan at talakan ng mga markadong linyahan sa pagitan ng Diamond Star at isa pang batikang aktres na si Snooky Serna, na nakasama niya noon sa pelikulang "Underage."

Pero sadly nga, namatay na ang karakter ni Marya sa kuwento at palaisipan pa kung sino ang pumaslang sa kaniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ang huling eksena nga ay ipinatawag na ang mga apo para sa hatian ng mana.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Bakit naman pinatay kaagad si Maricel? Nagpa-presscon pa para diyan 'di ba tapos tsutsugihin din?"

"Bilis naman ni Marya! Nasampal na ba niya lahat diyan?"

"Patay agad-agad?"

"Bakit ang bilis naman, di pa nga sila nag-iinit ni Snooky sa tarayan eh..."

Sa maaga mang pagkamatay ng kaniyang karakter, pinuri ng netizens si Maricel para sa kaniyang walang kupas na brilyo pagdating sa aktingan.

Anyway, kahit na wala na sa PPP ay kabilang naman ang Diamond Star sa seryeng "Linlang" na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM De Guzman, at Paolo Avelino, at eksklusibong napapanood sa Prime Video.

MAKI-BALITA: ‘Sinong unang mayayanig sa sampal?’ Tapatang Snooky, Maricel inaabangan