"Eh 'yong healthy na nga kinakain mo pero may pamatay na side dish?"

Nagdulot ng katatawanan sa mga kapwa netizen ang post ng isang nagngangalang "Bonijun Patac" matapos niyang ibahagi sa isang online community ang kaniyang "healthy breakfast" habang siya ay nasa opisina. 

Aniya, healthy na sana ang kakainin niyang oatmeal subalit hindi niya napigilan ang sariling lantakan ang chicharong ibinigay sa kaniya ng officemate, na mula pa sa Bulacan. 

"Oatmeal lang muna for breakfast para healthy," aniya sa caption. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Photo courtesy: Bonijun Patac/What's your ulam pare/FB

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Buti binasa ko, muntik ko na kasing hindi makita yung oatmeal."

"Pag keto diet ka mas healthy pa nga ata ung chicharon haha."

"Tamang oatmeal lang pero chicharon side dish haha."

"Sarap na partner naman hahaha."

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader, sinabi niyang okay naman siya matapos niyang pagsabaying kainin ang oatmeal at chicharon. 

"Actually recently lang bumaba ang cholesterol level ko kaya nag crave talaga ako ng chicharon. Sakto naman na yung officemate ko na taga bulacan, nagdala siya ng chicharon while I'm having my usual breakfast na oatmeal," aniya. 

"Hindi naman ako nahilo or anything kasi onti lang naman yung chicharon. 😅"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 3.2k reactions at 182 comments ang kaniyang post. 

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!