Hindi na rin pinalagpas ni Rendon Labador ang inirereklamong toy collector at dating miyembro ng Streetboys na si Yexel Sebastian, na nasasangkot sa ₱200-M investment scam.

Sa kaniyang Instagram stories, binanatan ng tinaguriang "motivational speaker" si Yexel na sa kabila ng mga isyung dapat harapin ay lumipad sa Japan kasama ang misis na si Mikee Agustin.

“Nakita mo na ba itsura ng kulungan?” ani Rendon kay Yexel.

"Tumakas ka pa papuntang Japan. Akala mo makakatakas ka sa akin?”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wait ka lang. Magbakasyon ka hanggang kaya mo. Bilang na ‘yung masasayang araw mo!” aniya.

Samantala, sa isang Facebook post makaraang lumipad sa ibang bansa ay ipinagtanggol ni Yexel ang kaniyang sarili laban sa mga nag-aakusang scam daw ang casino junket na hinimok niyang ipag-invest ng ilang overseas Filipino workers (OFW) na naghahanap sa kaniya ngayon para sa inaasahan sanang return of investment.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Yexel sa banat sa kaniya ni Rendon.

MAKI-BALITA: Yexel ipinagtanggol sarili, misis kaugnay ng ₱200-M investment scam