Tila naluha ang fans at supporters ni Megastar Sharon Cuneta nang ibahagi nito ang mga larawan ng liham ng panganay na anak na si KC Concepcion, na ibinigay raw nito sa kaniya noong bata pa ito, at hanggang ngayon ay pinakaiingat-ingatan niya.

Ayon sa Instagram post ng Megastar, ilan sa mga sulat nga ni KC sa kaniya, hindi man lahat, ay naitago niya. Sana raw, naitago rin ni KC ang mga sulat naman niya sa kaniya noon.

"I have kept most, if not all of KC’s letters to me when she was small. I hope she was able to somehow keep all of mine too. We have moved houses so many times that I wouldn’t be surprised if lots of them got lost."

"Anyway — my baby is never a second away from my heart, my thoughts…I miss her terribly. She’s all grown-up now…but the images of her as a little girl are so deeply etched in my brain and will stay there until I take my last breath. I hope you are doing well, Cucai, Tuttut, Tutti, Toot, Kaycee-waysie."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Panghuli, tiniyak ni Shawie na kung anuman ang mga hindi pagkakaunawaan ng pamilya niya at ng panganay na anak nila ng dating mister na si Gabby Concepcion, mahal na mahal niya ang anak.

"Mama loves you very much. Always and forever. Unconditionally. Whatever happens. Remember that always. ❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻 " aniya.

Naka-tag ang post sa Instagram account ni KC.

Umani naman ito ng mga reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nothing and no one else will ever replace the love of a mother!"

"Haiisst.. kakaiyak 😥 mama will always be a mother and that love towards their children will still remain till they ate alive and nobody can take it away from them that's unconditional love pa a parent ang a mother.. I am a mother and I can relate, if only we can wish our kids not to grow up so we could still be with them always kasi pag bata pa sila tayo lagi ang hinahanap kadikit nila lagi hehe.."

"All i can say is love your mothers while you can hold, hug, and touch them..it is so hard to lose a mom. You are such a good mother to all of your children ate shawie."

"Aawwww... Naluha naman po ako sa message mo Ate Sha.."

"this is soo cutee😭💜ate tina also posted na she's going sa concert niyo mama babe!!"

"So sweet ni baby Tina to her mama👍🤗nakakatouch Naman Ang letter mo @kristinaconcepcion para sa mom moh☺️bat naluluha Ako awww😥

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni KC na ninunfollow niya ang stepfather na sina Atty. Kiko Pangilinan at stepsister na si Kakie.

Sa panayam naman ng press kay Shawie para sa concert nila ni Gabby, inamin niyang nalulungkot sa mga nangyayari.

Ilang beses na ring nilinaw ni Mega na wala siyang favoritism sa mga anak, subalit inamin niyang mas nakakasundo lamang niya ang mga anak na madalas niyang nakakasama, gaya ni Kakie.

MAKI-BALITA: KC, kinumpirmang inunfollow sina Kiko, Kakie para sa ‘peace of mind’

MAKI-BALITA: Sharon sa ‘pag-iisa’ ni KC: ‘Being alone is her choice!’

MAKI-BALITA: Habang si KC raw ay nag-unfollow; Shawie todo-puri kay Kakie

MAKI-BALITA: Shawie may mensahe sa apat na anak mula kay ‘Peter Pan’; KC, pinatamaan?