Inalis ng Kamara ang confidential funds ng limang mga ahensya ng gobyerno para sa 2024, ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo nitong Martes, Oktubre 10.

Sa isang press briefing, sinabi ni Quimbo na “unanimous” umano ang naging desisyon ng House panel para bigyan ng "zero confidential funds" sa 2024 budget sa mga sumusunod na ahensya ng gobyerno:

  • Office of the Vice President (OVP)
  • ₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

  • Department of Education (DepEd)
  • Department of Agriculture (DA)
  • Department of Information and Communications Technology (DICT)
  • Department of Foreign Affairs (DFA)

Ililipat umano ang confidential funds ng naturang mga ahensya para mga ahensyang dumidipensa sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at nakatutok sa “peace and order” ng bansa.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DA, habang pareho namang nakasailalim sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte ang OVP at DepEd.

Matatandaang kamakailan lamang ay nauna nang kumpirmahin ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na aalisin na ang ₱650 milyong pinagsamang confidential funds ng OVP at DepEd para sa 2024 upang ilipat umano sa mga ahensyang nakatutok sa WPS.