Humingi na ng paumanhin ang motivational speaker na si Rendon Labador kay former Gilas coach Chot Reyes sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Oktubre 8.

“Ito ay pormal na paghingi ko ng paumanhin kay coach Chot Reyes na nasita natin at nakapagsabi tayo ng mga salitang nakaka #SampalNgKatotohanan, aminado akong masakit talaga ako magsalita kaya ako na mismo ang hihingi ng paumanhin sa ‘yo at sa iyong pamilya,” pahayag ni Rendon sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Humanga ako sa ginawa mong pagbibitiw sa pwesto at matapang mo pa ring hinarap ang mga pambabatikos na ibinabato sa ‘yo. Saludo ako sa ‘yo Coach Chot Reyes!!!”

Sinabi rin niyang dahil umano sa sakripisyo ni Coach Chot, nanalo ang Gilas Pilipinas sa ginanap na Asian Games 2023.

Rendon Labador bet 'sampalin ng katotohanan' si Coach Chot Reyes

Matatandaang pinuntirya ni Rendon ng batikos si Coach Chot noong nakaraang FIBA World Cup dahil sa sunod-sunod na pagkatalo ng koponan na isinisisi sa huli.

Matapos manalo ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon, nagdesisyon si Coach Chot na mag-step aside muna bilang Coach ng Gilas.

https://balita.net.ph/2023/09/03/chot-reyes-handa-nang-mag-step-aside-bilang-coach-ng-gilas/

Pinalitan siya ng head coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Tim Cone. 

https://balita.net.ph/2023/09/09/cone-nagpaalam-muna-kay-chot-reyes-bago-tanggapin-pagiging-coach/