Nakipagkulitan ang Kapuso heartthrob na sina Radson Flores, Kim de Leon, at Adbul Raman sa “The Boobay and Tekla Show” nitong Linggo, Oktubre 8.

Sa segment na “What Da Fact” ng nasabing show, may babasahing interesting facts ang dalawang host na sina Boobay at Tekla. Pagkatapos, huhulaan nila kung sino sa kanilang lima ang tinutukoy n’on. At sa Fact No. 3, tinukoy ang isa umanong pumasok sa cr ng babae para doon umihi.

Bukod kay Abdul, si Radson din ang pinakapinaghihinalaan sa nasabing insidente.

“Kasi si Radson feel ko progressive siya, e […] Wala siyang dini-discriminate sa mga gender. Basta pagka cr ‘yan, cr ‘yan,” paliwanag ni Abdul sa naging hula niya kung bakit si Radson ang pinili niya.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Pasubali naman ni Tekla na ang pinaghinalaan din ay si Radson: Pero s’yempre, pambabae ‘yun. S’yempre lalaki ka. May cr naman tayong mga lalaki”.

Sa huli, tuluyang inamin ni Radson na siya nga ang tinutukoy sa Fact No. 3. Depensa naman niya, isang beses lang naman umano itong nangyari.

“Ihing-ihi na ako tapos wala na akong pakialam kung saan ako pumasok,” sabi pa niya.

Matatandaang isa si Radson sa mga bumida sa live-action adaptation ng Japanese animation series na Voltes V na pumatok sa mga generation X noon. Kasama niya sa nasabing serye sina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Raphael Landicho at Ysabel Ortega.

MAKI-BALITA: Mega trailer ng ‘Voltes V Legacy’, trending; anong sey ng netizens? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid