Mananatiling kakampi ng bayan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa anumang uri ng korapsyon o katiwalian.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Ito ang binigyang-diin ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III sa kanilang Facebook post nitong Lunes ng gabi sa gitna ng malawakang kampanya ng ahensya laban sa iba't ibang uri ng katiwalian, katulad ng paggamit ng fixer sa transaksyon, pagpapatupad ng cut-off system at noon-break, at iba pa na pawang ipinagbabawal sa ilalim ng Anti Red Tape Act (ACT), alinsunod sa Republic Act 11032.

Aniya, mananatiling bukas ang ahensya sa pakikipagtulungan sa gobyerno upang masiguro na hindi masasayang ang tiwala na ipinagkaloob ng publiko sa mga opisyal sa sektor ng transportasyon.

"Kagaya nga po ng dati na nating ginagawa, patuloy po nating aayusin at titiyakin na mananatili tayong patas sa paglilingkod sa ating mga stakeholder," aniya.

"As of this morning, nasa opisina naman ako at wala pa po akong nalalaman na anumang opisyal na inihain laban po sa atin pero kung mayroon man, haharapin naman po natin ito dahil malinis po ang ating kalooban," anang opisyal.

Pinasalamatan din ni Guadiz ang mga transport group na patuloy na naniniwala sa kakayahan ng ahensya na mabigyan ng kalidad na serbisyo ang publiko.