Sinisilip na ng Department of Transportation (DOTr) ang alegasyong pagkakasangkot ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III sa korapsyon.

Aminado si DOTr Secretary Jaime Bautista, pinagpapaliwanag na nila si Guadiz dahil sa mga nalantad na alegasyon ng korapsyon at iba pang irregularidad, partikular na sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

“We already launched an investigation on the allegations against the LTFRB. While we are already evaluating the alleged irregularities involving [Chairman Guadiz], we also issued a notice to explain against Guadiz for him to shed light on the allegations,” ani Bautista.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Idinahilan ni Bautista, hind nito pinapayagang magkaroon ng korapsyon sa ahensya at iba pang ahensyang pinangangasiwaan nito upang magkaroon ng tapat na pamamahala sa kanilang hanay.

“We do not tolerate any form of corruption in the DOTr and will not hesitate to impose the stiffest sanction if the evidence so warrants,” dagdag pa ni Bautista.

PNA