Ibinahagi ng kapapanganak na Kapuso artist na si Lovely Abella ang pagpapainom niya ng na-pump na breastmilk sa kaniyang mister na si Benj Manalo.

Sa kaniyang TikTok video, mababasa: "Masakit sa ating mga mommies pag walang napproduce na milk para sa mga anak natin, kaya lahat gagawin at iinumin dumami lang ang milk supply.”

Kaysa raw itapon, pinainom na lang niya ang gatas sa mister na si Benj.

“Nanghihinayang kasi talaga ako dito. Wala pang 1 oz ‘yong aking milk. So alam naman natin na sa mga mommies, very… parang luxury na ang milk na ito sa atin kaya iinumin na lang ng asawa ko,” ani Lovely.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kahit nag-aalangan ay tinikman ni Benj ang gatas ng misis.

“Go dad. Sayang naman,” ani Lovely sa asawa.

Nang matikman ni Benj ang gatas, mukhang okay naman ang lasa nito. Lasang buko nga raw.

Biro naman ng mga netizen, sana raw "rekta" na lang ang pagpapainom ni Lovely kay Benj, kakaloka!

Anyway, matatandaang kamakailan lamang ay umani ng iba't ibang reaksiyon ang pagpapakita ni Lovely ng postpartum body sa social media, na dapat daw ay isapribado na lamang.

MAKI-BALITA: ‘Privacy daw!’ Lovely Abella pinagsabihan ng ilang netizens sa pagpo-post