Hindi pinalagpas ng "It's Showtime" host na si Anne Curtis-Heussaff ang hanash ng isang basher na malaki raw ang "bunganga" niya.

Sa isang X post, isang netizen ang nagsabing papansin siya at kulang na lang ay ipa-surgery niya ang bibig niya.

Bagay na kinomentuhan naman ni Anne na naging trademark na ang malaking lips, "Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or Bunganga as you say 😘."

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1710685310013857792

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mapapansin namang tila nag-delete na ng tweet ang netizen subalit na-screenshot na ito ng iba pang netizens. Nag-private na rin ito ng account.

Photo courtesy: Anne Curtis/X

Bumuhos naman ang suporta ng netizens para kay Anne.

"You're are more than enough beautiful miss ann❤️."

"Ang ganda mo kaya. Walang mali sa iyo, Anne. Itong basher na ito ang dapat magpa-surgery ng bibig."

"Such tact and grace Miss Anne!"

"Sunog ang basher haha."