Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, Oktubre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:18 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 127 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.