Nagbahagi ng isang makahulugang post ang “Pinoy Henyo Master” na si Joey De Leon sa kaniyang X account noong Biyernes, Oktubre 6, matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gold medal sa ginanap na Asian Games 2023.

“Hindi lang pala Red Queso de Bola kundi Gold Medal for Basketball! Congrats Gilas! And while eating our Queso to celebrate, we are waiting for the return of another BOLA or BULA…gets nyo?” saad ni Joey sa caption ng kaniyang post.

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1710302813677392205

Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksiyon ang mga netizen kaugnay sa nasabing post ni Joey. Narito ang komento ng ilan:

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Gets na gets henyo master! Kaunting kembot na lng kanta na tayo nang ‘Eat Bulaga’ ❤️”

“Return of BULA would be the greatest Christmas present of all time”

“BULA.....GAnern!!!”

“mairelate lang talaga. hahaha. tulog na po tayo.”

“Gets na gets Sir Joey! Parang Pasko din, nararamdaman na namin na malapit na!”

“cant wait po for the return of Eat Bulaga TVJ hehe”

“Tumatandang paurong ang tanders nato.”

“Ay wow mlpit n umuwi ang pngalan merry tlga Christmas nyo nyn 🥰🥰”

“Cringey jokes at its finest”

“corny mo talaga. pakyu!”

Matatandaang naging mainit na debate kamakailan ang usapin ng copyright ng “Eat Bulaga” sa pagitan ng TAPE Inc. at nina Joey na siyang nakaisip umano ng pangalan ng nasabing noontime show matapos ang panukalang “rebonding” ng nasabing production company.

MAKI-BALITA: Eat Bulaga, pagmamay-ari ng TVJ, sey ni Tito Sen: ‘That is uncontestable’ – Balita