Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang larawan nila ng kaniyang asawang si Jeremy Jauncey sa kaniyang Instagram account nitong Sabado, Oktubre 7.

“Whispers: beach trip, beach trip, beach trip 🫢 Missing this one a little extra today ❤️ @jeremyjauncey,” saad ni Pia sa caption ng kaniyang post.

Makikita sa larawang naka-two piece lang si Pia habang topless naman si Jeremy at litaw na litaw ang mga namumukol nitong muscle sa katawan.

Hindi tuloy napigilang magpasalamat ng Fil-Am social media influencer na si Bretman Rock si Pia dahil ibinilad nito sa publiko ang hubad na katawan ng asawa.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Thank you for posting……”

Narito ang ilan pang mga nakakatuwang komento ng netizens sa nasabing post ng dating Miss Universe:

“Siguro sa past life ni Queen P, isa siya sumigaw na wag ipako si Hesus.”

“Ganyan ka pala sa iba Lord 😢”

“Iwan ko muna ang social media. Mag novena muna ako baka maging fair saken si Lord at makahanap din ako ng biyaya. Yung ihahagis din ako ng bongga.”

“Ang ganda ganda ni Queen P kahit walang makeup. Actually mas maganda nga sya kapag wala. 😭🔥💖”

“Sa lahat talga kay Pia ako inggit na inggit!!!!”

“Ang laki ng muscles nyan pia kinaya mo???😂😂”

Pero kung laki ang pag-uusapan, hindi rin naman lugi si Jeremy kay Pia. Matatandaang kamakailan ay finlex ng former beauty queen ang kaniyang half body close shot na larawan habang naka-two piece lang. Dumungaw tuloy ang angking alindog ni Pia at pinagkaguluhan ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Pia Wurtzbach nagpakita ng skin pero iba ang tinutukan ng mga netizen