Inanunsiyo na ng Ben&Ben kung kailan ilalabas ang kanilang pinakabagong kanta na may titulong “Courage” sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Oktubre 7.

“Hello. We’d like to announce that our new song “Courage” (Acoustic Ver.) comes out on October 9, 12 noon. Para sa’yo to,” pahayag ng banda sa caption ng kanilang post.

Kasabay nito, nag-iwan din sila ng mensahe sa kanilang mga tagasuporta at tagasubaybay lalo na sa mga nakakaranas ng pangamba sa buhay.

“Walang pinipiling panahon ang pangangamba/anxiety. Malayo man ang narating mo sa buhay, o pasimula ka pa lang, may mga araw talagang lalamunin ka ng takot. Nakakatakot magpatuloy, nakakakabang magsimula, at nakakanerbiyos na tumapak pag hindi ka sigurado kung may sasalo sa hakbang mo. Minsan, parang wala nang solusyon sa sunud-sunod na pagsubok, tas gusto mong umayaw na lang.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Bukod sa personal na karanasan, naramdaman namin na marami sa atin, ganun ang pakiramdam nitong mga araw na ‘to.

“Para sa mga kumakayod araw-araw para sa pangarap, o kaya para maka survive. Para sa mga mag eexam na puyat sa pag-aral dahil kabado kung papasa o hindi. Para sa mga breadwinner na hindi alam kung pano na. Para sa mga nanay/tatay na natatakot magpakita ng kahinaan sa mga anak nila dahil pinagmumulan sila ng lakas. Para sa mga digmaang nangyayari sa loob natin pag nilalamon tayo ng anxiety. Para sa mga panahong akala nating wala nang pag-asa. Para sa’tin to.

“Sumulat kami ng kanta na sana sa kahit maliit na paraan, makatulong sa pagbibigay-lakas para magpatuloy tayo kahit mahirap at puno ng pagsubok ang daan. At balang araw, magiging worth it lahat ng struggles natin, at matutupad din natin yung mga pangarap natin. Sa nagbabasa nito, naniniwala kami sa’yo. Makakayanan natin ‘to!

“‘All your struggles will be worth it in the end. Keep carrying on with Courage’,” saad pa nila.

Tila mahal na mahal talaga ng Ben&Ben ang kanilang mga fan. Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay din sila ng mensahe para sa 3rd anniversary ng Liwanag fandom.

MAKI-BALITA: Ben&Ben, may mensahe sa fans