Napuna ng isang netizen na tila paulit-ulit ang mga isinusuot na damit ng aktor na si Dominic Roque sa video na ibinahagi nito sa Instagram account kamakailan.

Makikita sa video na nasa Michaelangelo Squeare sa Florence, Italy si Dominic kasama ang kaniyang fiancee na si Bea Alonzo. All black ang outfit ng aktor maliban sa kaniyang sapatos. Kung titingnan ang iba niyang mga Instagram photo, madalas talagang mag-all black si Dominic.

Ang tanong tuloy ng isang netizen: “Bakit parang same same lang suot mo sa travel niyo ni ate bea? Kung gaano kadalas magpalit ng damit ang fianancée niyo po ganon naman po kayo kadalang mag change outfit. Hehehee”.

“Talaga pong ganun😂” sagot ni Dominic.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ipinagtanggol naman siya ng kaniyang mga fan sa naging paratang ng nasabing netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kinopara tlg malamang babae mahilig sa damit at mag ootd. Lalaki mostly dalawang kulay lng yan white or black pero d ibig sbhin iisang shirt or clothes lng meron sila. 🤦‍♀️😂"

"kahit di magbihis yan mas mabango pa di. yan sayo😅😂"

"Bgay KY Dom ang black mas lalong gwapo cya..."

"ano naman pakialam mo bakit hindi yung sarili mo ang pakialaman mo,ikaw bakit pati damit ni dom napapansin mo,😏😏😏hindi ba pwedeng favorite color lang ni dom ang black,kasi yung name ng company nya Blackpeak Hypermedia,"

"Mas magtaka tayo kapag mas madalas magpalit si Puhpa Dom kesa kay Bea.

I love his simplicity. ❤️"

"Mahilig lang siguro talaga si Dominic sa itim tapos si Bea naman mahilig talaga magpalit ng damit kumbaga ootd nga.Ganun lang yun siguro."

"Deadma na ,asawa ko 30 na shorts meron sya same color and same style 🤣 😍❤️ ganun talaga mga lalake."

Anyway, ang mahalaga ay kasama na ulit ngayon ni Bea si Dominic. Matatandaang kamakailan ay lungkut-lungkutan pa siya nang “iwan” siya ni Dominic para pumuntang London.

MAKI-BALITA: Bea, iniwan ni Dominic