Umabot pa sa 16 pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod sa pagyanig, naobserbahan din sa bulkan ang 110 rockfall events at apat na pyroclastic density currents.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nagbuga rin ito ng 1,059 tonelada ng sulfur dioxide nitong Oktubre 6.

Nagkaroon din ng lava flow na umabot sa 3.4 kilometro sa Bonga Gully, 2.8 kilometro naman sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro sa Basud Gully.

Babala pa ng Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito.

Nakataas pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.