Tila prinangka umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang multimedia producer at talent manager na si Noel Ferrer nang magkomento ito sa kaniyang Instagram post kamakailan.
Noong Oktubre 2, nagbigay ng update si Kris kaugnay sa kasalukuyang lagay ng kaniyang kalusugan.
“THANK YOU for your continued PRAYERS, i don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate. Hopefully in the next few days i’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results,” pahayag ni Kris sa caption ng kaniyang post.
Maki-Balita: Kris Aquino, bumubuti ang kalagayan?
Nagkomento si Noel sa naturang health update ni Kris.
“You be well & take care Kris!” aniya.
Sumagot naman nang tila may pagka-prangka si Kris, “@iamnoelferrer you’ve never really liked me but this kindness is much appreciated.”
Hindi naman na sumagot ang talent manager sa reply ni Kris sa kaniyang komento.