Pumalo na sa ₱14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Agosto matapos makapagtala ng ₱105.28 bilyon na pagtaas ang Bureau of Treasury.

Ayon sa ahensya, ang pagtaas ng ₱105.28 bilyon o 0.7 porsiyento sa utang ng bansa nitong Agosto 2023, kumpara noong Hulyo 2023, ay dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“The ₱105.28 billion or 0.7% increment from the previous month’s level was primarily due to the peso depreciating from 54.834 to 56.651 against the US dollar over the reference period,” anang Bureau of Treasury noong Lunes, Oktubre 2.

“Peso depreciation against the US dollar caused a ₱146.85 billion upward revaluation of US dollar-denominated debt in August, although partially offset by the ₱22.11 billion downward revaluation of the third currency debt component,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng ahensya na sa kabuuang halaga ng utang, nanggaling ang 31.8% sa external o foreign sources habang ang 68.2% ay galing sa domestic o local borrowings.

Sa datos ng Treasury noong katapusan ng Agosto, umabot sa ₱9.79 trilyon ang domestic debt habang ang foreign debt naman ay pumalo sa ₱4.56 trilyon, na tumaas ng ₱126.52 bilyon o 2.9 porsiyento dahil sa pagbaba ng piso kontra dolyar.

Samantala, inaasahan ng gobyerno na aabot sa ₱15.642 trilyon ang magiging utang ng Pilipinas sa 2024.