Inayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng isang lalaking Grade 5 student na nasawi matapos umanong sampalin at sabunutan ng kanyang guro sa Antipolo City kamakailan.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang ahensya sa pamilya ni Francis Jay Gumikib.

Si Gumikib ay binawian ng buhay 11 araw mula nang naganap ang insidente nitong Setyembre 21 dahil sa brain hemorrhage, ayon sa kanyang pamilya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Martes, iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Regional Field Office 4A na magsagawa ng case management para sa mga naulila ng estudyante at bigyan na rin ng financial assistance para sa hospital at funeral expenses.

“Social workers from the DSWD Field Office 4A have taken immediate action to support the bereaved family of Francis and provide them with essential assistance during this difficult time,” paliwanag naman ni DSWD-Assistant Secretary for Strategic Communications Group Romel Lopez.

Iniimbestigahan pa rin ng Antipolo Police Station ang insidente.