Inamin ni Kapuso Star Mikee Quintos na umasa umano siya kay “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards nang kapanayamin siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 2.

Sumalang kasi si Mikee sa “Talk or Dare” kasama ang kaibigang si Mikoy Morales sa huling bahagi ng panayam nila kay Tito Boy.

“Mikee, umasa ka ba na magkakaroon ng relasyon sa isang co-star, sa isang artista? Talk or dare? And if you talk, you tell us kung sino ito. Dare, you dance like your boyfriend Paul Salas,” hamon ni Tito Boy.

“Alam naman ni Paul ‘to. Talk na lang, Tito,” sagot niya.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

“Talk. Sino ito?”

“Si Richard po. Si Alden,” pagsisiwalat ng aktres.

Paliwanag naman ni Mikee, resolve na umano ang tungkol sa kanilang dalawa. Sa katunayan, nanatili silang mabuting magkaibigan ni Alden.

“Nakilala ko ‘yung pagkatao niya. Na sweet siya, na mabait siya, kung gaano ka-genuine, sobrang God-fearing. And I just had to try to express. Whatever I was feeling I couldn’t explain it. So I did express. But it wasn’t reciprocated,” kuwento pa ng aktres.

Matatandaang nagkasama sina Mikee, Mikoy, at Alden sa teleseryeng “The Gift” ng GMA Network na nagsimulang umere noong 2019.