Pinatumba ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang kalabang Syrian na si Ahmad Ghousoon sa semifinals sa pagpapatuloy pa rin ng 19th Asian Games sa Hangzhou gymnasium, China nitong Miyerkules.

Dahil sa pagkapanalo ni Marcial, pasok na ito sa finals o gold medal round ng men's 80kg class at nabigyan na ng pagkakataong sumabak sa Paris 2024 Olympic games sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Kumuha lamang ng pagkakataon si Marcial upang umatake kay Ghousoon na bumagsak matapos makatikim ng solidong suntok.

Binilangan muna si Ghousoon bago pinagpahinga ng isang minuto.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Nang bumalik sa laban, muling nagpakawala ng sunud-sunod na suntok si Marcial hanggang sa tuluyang ma-knockout ang kalaban.

Natapos ang laban, 1:49 sa orasan sa second round.

Kakasa si Marcial sa finals para sa light-heavyweight category sa Huwebes.