Natatawang nilinaw ng social media personality/celebrity na si Zeinab Harake na hindi niya sugar daddy ang senior citizen na foreigner na kasa-kasama niya.

Ito ay walang iba kundi ang kaniyang tatay na isang Lebanon national.

Iginiit ni Zeinab na kahit adult at may anak na nga siya, nananatili pa rin siyang baby girl ng kaniyang tatay.

"Baby girl pa rin talaga ako," aniya nang ipakita niya ang paglalambing niya rito habang nasa loob sila ng eroplano. Papunta kasi siya at ang kapatid na si Rana Harake sa Lebanon kung saan nakatira ang kaniyang tatay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Kaya napagkakamalan kang sugar daddy eh. Mga chinichika ng tao 'Sugar daddy niya 'yong foreigner na matanda.' Sabi ko, 'Tatay kp 'yon ah!'" paliwanag ni Zeinab.

Anyway, mapapanood sa latest vlog ni Zeinab ang kanilang pamamasyal sa Lebanon.

Well, kung may "daddy" si Zeinab ngayon na talaga namang nagpapasaya sa kaniya, ito ay walang iba kundi ang Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

MAKI-BALITA: Zeinab pinasaya ang ‘Daddy Bobby Ray’ niya