Laugh trip ang mga netizen gayundin ang mga manonood ng award-winning singing competition na "Everybody Sing!" sa hirit ng host nitong si Unkabogable Star Vice Ganda, matapos niyang "i-dedicate" ang kanta ng bandang "Ben&Ben" sa social media personality na si Rendon Labador.

Ang Ben&Ben kasi ang guest performer ng show na kinabibilangan ng lead vocalists nitong kambal na sina Miguel at Paolo Benjamin at inawit nila ang kanta nilang “Araw-araw.”

Sa episode noong weekend, pinalitan ng dalawa ang isa sa mga salita sa lyrics ng kaniyang sikat na awitin.

“Mahiwaga babasagin ka sa araw-araw,” anila kung saan pinalitan ng salitang "babasagin" ang salitang "pipiliin"

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hirit naman ni Vice, “This song is brought to you by Rendon Labador."

Hindi naman naiwasan nina Miguel, Paolo at mga contestant na mapatawa.

Matatandaang si Rendon Labador ang bumanat kina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa "icing incident" sa noontime program na "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Huwag na raw sanang ipakita nina Vice Ganda at Ion ang kanilang "kahayupan" sa national television, lalo na raw at may mga kasama silang mga bata sa segment na "Isip Bata" kung saan naganap ang pagkain ng icing.

Tinuruan pa nito ang komedyante kung paano mag-sorry.

MAKI-BALITA: Rendon Labador ‘tinuruan’ si Vice Ganda kung paano mag-sorry

Nagsanga-sanga na ito hanggang sa mapatawan na nga ito ng suspensyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

Samantala, nilinaw naman ni Rendon sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz, kaibigan at dating manager ni Vice, na wala siyang personal na galit sa komedyante o sa iba pang sinisita niya. Humingi pa nga siya ng tawad sa mga ito.

MAKI-BALITA: Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp