‘LIPO AGAD MIMASAUR?’

Dinipensahan ng social media personality na si Pat Velasquez-Gaspar si Viy Cortez laban sa mga umano’y negatibong komento na natatanggap ng huli sa kaniyang fitness journey.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isang Facebook post ni Pat kamakailan, i-shinare niya ang isang article ng GMA News tungkol sa body transformation ng kaniyang sister-in-law at sinabing grabe raw ang mga nababasa niyang comment.

“Huy! Grabe ang comsec. Yung iba pa babae. Galaw galaw, magcalorie count at kung kaya maginvest sa gym instructor. Tignan ko lang kung di kayo pumayat din agad.  Lipo agad mimasaur?” saad ni Pat.

“You go girl! Viy Cortez,” dagdag pa niya.

Sinasabi kasi ng netizens sa naturang post ng GMA News na nagpa-liposuction daw ang social media personality kaya ito pumayat.

Nilinaw na rin naman ni Viy na hindi siya nagpa-liposuction.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo nako dahil sa pag tanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain  at pag inom ng luxeslim (tipong nakain sila ng lomi tapos ako nakatitig lang) at ngayon panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie,” saad ni Viy sa kaniyang Facebook post kamakailan.

“Kaya naman 4 na araw na ko nag gy-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to hahahaha. Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag aaral pako hahahaha,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng social media personality na kahit anong klaseng pampayat pa ang inumin kung wala raw disiplina sa pagkain wala rin daw mangyayari.

“Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result,” ani Viy.

Sumunod naman ay pinabulaanan niya ang pagpapa-liposuction.

“Nagpa lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon pag naka tatlo anak nako. Baka dun na. Totoo ba na luxeslim nakapapayat sakin? Tinulungan lang po ako neto. Dahil nawalan po ako ng gana kumain nakaya ko mag tanggal ng rice (galing ako sa pagpapadede kaya ko umubos isang kaldero noon) pwede ba kayo pumayat ng walang iniinom? Aba oo naman kung kaya nyo magbawas ng kain at mag exercise go! Sadyang ako di ko kaya. Kaya need ko ng luxeslim sa buhay ko mamshie  hahahah 2 beses ako nainom pag gising at gabi,” share pa ni Viy.

Sa comment section ng kaniyang post, hindi rin niya alam kung mata-touch siya o mabu-bwisit sa mga nagsasabing nagpa-liposuction siya.

“Sumusubok nadin ako ng diet meals ngayon para mas tama ang calorie count ko kada araw ang pinapatake lang sakin ay 1500 per day (dyan papasok yung matatakam ka sa ibang ulam o ibang pagkain, minsan di ko mapigilan mag samgyup kaya malaking tulong ang luxeslim sakin para mawalan ako ng gana kumain at onti lang makain ko,” dagdag pa ni Viy.