Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City - Isang 56 taong gulang na OFW ang inaresto umano ng Quirino Valley Cops sa gitna ng isinagawang Search Warrant para sa paglabag sa RA 10591 sa Villa Ventura, Aglipay, Quirino.

Ayon sa ulat nitong Lunes, Oktubre 2, kinilala ng Quirino Police ang suspek sa alyas na “Joven.”

Nakumpiska umano sa isinagawang paghahalughog ang Caliber 8 mm Semi-Auto Firing Pistol, isang magazine ng 8 mm at 31 basyo ng bala para sa cal. 8 mm.

Kasalukuyan na umanong nasa kustodiya ng Aglipay Police Station ang naarestong OFW para sa dokumentasyon at proper disposition.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“We, the Valley Cops will double our efforts to apprehend lawbreakers. It is our responsibility to ensure the community's safety and to maintain peace and order in Region 2,” saad ni PBGEN Christopher C Birung, Police Regional Office 2 Director.