Naglunsad na ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente ng oil spill sa daungan ng Puerto Princesa City sa Palawan nitong Setyembre 30.

Sa social media post ng PCG, layunin ng pagsisiyasat na matukoy ang pinagmulan ng tumagas na langis nitong Sabado ng hapon.

Kaagad na kumuha ang Coast Guard ng oil samples sa dalawang nakaangklang barko sa lugar upang matukoy ang pinagmulan ng pagtagas ng langis.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakipag-ugnayan na rin ang grupo ng PCG-marine science technicians sa isang RoRo (roll-on, roll-off) passenger vessel na bumiyahe mula sa Puerto Princesa City port kaugnay ng insidente.

Kaugnay nito, inilatag na ng PCG ang apat na bahagi ng oil spill boom at anim na bigkis ng sorbent pads upang makontrol ang pagkalat ng langis sa naturang karagatan.

Sa huling impormasyon ng PCG, nasa dalawang drum na ng tumagas na langis ang nakolekta nila mula sa 500 metrong apektado ng insidente.