Kalaboso ang dalawang Chinese dahil sa paglabag sa election gun ban sa San Rafael, Bulacan nitong Sabado.
Kinilala ni Bulacan Police chief, Col. Relly Arnedo, ang dalawang suspek na sina Cao Jie, 35, at Jia Zi Cong, 27, kapwa empleyado ng Momarco Vegetable Plantation.
Ang dalawang suspek ay inaresto sa isang kainan sa Barangay Caingin dakong 1:00 ng hapon.
Nauna nang nakatanggap ng reklamo ang pulisya dahil sa pagdadala ng mga baril ng dalawang suspek habang nasa kainan.
Probinsya
Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman
Nasamsam sa dalawa ang isang .45 caliber at isang .9mm pistol.
Nagsimulang ipatupad ang gun ban nitong Agosto 28 at matatapos sa Nobyembre 29 kaugnay pa rin sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Omnibus Election Code at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).