Inamin ng Kapuso star na si Thea Tolentino sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Setyembre 29, na hindi niya umano pinangarap na maging performer noong una.

Ang bet umano talaga ni Thea dati ay maging madre. Nang tanungin siya ni Tito Boy kung anong dahilan, ang sagot niya, mayroon daw kasi siyang ninong na pari at ninang na madre. Sa katunayan, ayaw daw niyang magkaroon ng boyfriend.

“Pero bata pa po ako noon,” natatawang pasubali ni Thea.

“Oo naman, oo. Pero where does that coming from? Ayaw mong magka-boyfriend dahil?” tanong ulit ni Tito Boy.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Idol ko po ‘yung ninang ko. Wala siyang ano, uh, mapili siya sa mga karelasyon niya.”

“Okay, noong naging artista ka, ano ang sabi ng ninang?”

“Hindi ko na po siya masyadong nakausap noong ano, e, noong time na ‘yun kasi lumipat po siya ng States.”

Kilala si Thea sa kaniyang mga kontrabida role na mahilig manampal ng mga kaeksena. Matatandaang noong 2019 ay nag-travel siya sa Japan para magpahinga raw muna sa pananampal.

MAKI-BALITA: Thea Tolentino, time out muna sa pananampal

&pp=ygUUZmFzdCB0YWxrIGJveSBhYnVuZGE%3D