Inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FCDP) nitong Biyernes, Setyembre 29, na ang Filipino-Ilocano animated film na “Iti Mapukpukaw” ang opisyal na entry ng Pilipinas sa Oscars 2024.

Sa Facebook post ng FCDP, inihayag nitong isusumite ang Iti Mapukpukaw sa kategoryang  Best International Feature Film ng 96th Academy Awards.

“To support its campaign for the prestigious Oscars, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) will be giving PHP1,000,000 through its Oscars Assistance Program to Dir. Papa and his team,” nakasaad din sa post.

Kamakailan lamang, nagwagi ang Iti Mapukpukaw ng Best Film sa 2023 edition ng Cinemalaya Philippine Film Festival. Ito umano ang first-ever animated film na nakatanggap ng nasabing parangal.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Nanalo rin ito ng Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC) Award para sa full-length feature film, habang kinilala rin si Dolly de Leon bilang Best Supporting Actress dahil sa nasabing pelikula.

Ang Iti Mapukpukaw ay sinulat at dinirehe ni Carl Joseph Papa.

Pinagbibidahan ito nina Carlo Aquino na gumanap bilang Eric; Gio Gahol na gumanap bilang co-worker at bagong kaibigan ni Eric, at Dolly de Leon bilang nanay ni Eric.

Tungkol umano ang pelikula sa “twist and turns” na buhay ng tauhang si Eric (Carlo Aquino) – isang animator na walang bunganga – matapos dumating ang isang “familiar alien” at ang pagkamatay ng kaniyang tiyuhin, na parehong nag-trigger sa kaniya para balikan ang kaniyang nakaraan.