Pinatutsadahan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang motivational speaker na si Rendon Labador sa kaniyang programang “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Setyembre 29, kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika.

Pinag-uusapan kasi nina Cristy, Wendell, at Romel ang tungkol sa “lubid” issue ng E.A.T. host na si Joey De Leon. Pagkatapos, biglang naisingit ni Wendell na nagustuhan umano niya ang sinabi ng isang vlogger tungkol sa nasabing isyu. At ang tinutukoy na vlogger ay walang iba kundi si Rendon.

Matatandaang kamakailan ay nag-post si Rendon sa kaniyang Instagram story na tila nanunumbat sa netizens. Ang sey niya, sa kaniya rin pala lalapit ang mga tao para magsilbing boses sa pagtatama ng mali matapos umano siyang i-mass report dahil sa ginawa niyang pagsita sa idol nilang si Vice Ganda.

Pero agad din namang inawat ni Cristy ang pagsasalita ni Wendell dahil nagpapapansin lang umano si Rendon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“‘Wag na natin siyang bigyan ng panahon. Sayang ang ating oras, Wendell Alvarez, di ba. Unang-una walang naghahanap sa kaniya. Maraming maligaya na nawala siya. Hindi siya hihingan ng opinyon kung ang ibibigay lang naman niya ay kontra sa buong mundo. Hindi ka hahanapin. ‘Yun lang ‘yon,” paliwanag ni Cristy.

MAKI-BALITA: ‘Tapos lalapit din kayo!’ Rendon bumwelta sa fans ni Vice Ganda dahil kay Joey – Balita