Naghatid ng good vibes ang pagso-sorry ng “It’s Showtime’ host na si Ryan Bang kay GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.

Matatandaang noong Agosto sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda, itinanong sa kaniya ni Tito Boy na kung sakaling magkakaroon ng proyekto sa GMA Network at magkakaroon siya ng leading lady, sino sa Kapuso stars ang pipiliin niya?

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ang isinagot ni Ryan si ang GMA senior vice president.

“Oo! Mukha s’yang Korean,” paulit-ulit na sey ni Ryan. “Bagay kami…”

Maki-Balita: Ryan Bang bet maging leading lady si GMA exec Annette Gozon-Valdes

Sa pagbisita ng ilang GMA Network executives sa It’s Showtime kamakailan, nabigyan ng pagkakataon si Ryan na mag-sorry kay Atty. Annette.

Maki-Balita: Kapuso execs bumisita sa It’s Showtime

“Noong nakita ko si Ms. Annette akala ko Koreana siya, ang ganda,” sey ni Ryan.

“Tinanong ka ni Tito Boy, ‘di ba? Kung meron kang gustong ka-love team sa GMA, sino?” sey ni Jhong.

“Pasensya na po Ms. Annette. Hindi ko po alam ano bibitaw ko po ‘yung pangalan. Bago po ako nag-interview, nakita ko po kayo sa hallway. Pasensya na po boss, hindi ko akalain kasi kayo po ‘yung boss. Maganda, akala ko po artista. Hindi ko po maulit, pasensya na po,” saad ni Ryan sa GMA executive.

Nagdulot naman ito ng good vibes hindi lang sa mga host kundi pati na rin sa madlang people.