“Pagkatapos nilang makapagpasa nito sa nakatakdang hearing sa October 3 ay posibleng maglabas na po ng desisyon ang LTFRB board,” ani Guadiz.
Ikokonsidera rin ng LTFRB ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) bago ilabas ang kanilang pasya.
Kabilang sa mga nagpetisyon ang Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG MASDA), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).
Sa pagdinig nitong Huwebes, hiniling ni Guadiz at mga miyembro ng LTFRB board, sa mga petitioner na linawin kung ang hinihinging ₱5 taas-pasahe para sa unang apat na kilometro at ₱1 provisional fare increase ay para lamang sa mga tradisyunal na PUJ sa Metro Manila.
PNA