Bago pa magsalpukan ang kani-kanilang koponan sa Sabado, Setyembre 30 sa pagpapatuloy ng 19 Asian Games, nagkita sina Gilas Pilipinas star Justin Brownlee at Rondae Hollis-Jefferson ng Jordan sa Hangzhou, China nitong Miyerkules.

Bukod kay Brownlee, tumanggap din ng mainit na yakap mula sa dating import ng TNT, sina Gilas head coach Tim Cone at dating teammate Calvin Oftana.

Parehong nag-ensayo ang Philippine team at Jordan sa isang training facility sa lugar nang mag-krus ang landas nina Brownlee at Hollis-Jefferson.

Hazing, muling isinusulong na wakasan!

Magsasalpukan ang national squad at Jordan sa Hangzhou Olympic Sports Center Gymnasium dakong 5:30 ng hapon para sa hinahabol na puwesto sa quarfterfinals.

“We’re gonna try to put a big performance together and go out and play Jordan,” pagdidiin naman ni Cone.