144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
Umabot pa sa 144 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman din ang 34 na pagyanig bukod pa ang isang pyroclastic density current (PDC).
Sinabi ng Phivolcs, nagbuga pa ng 875 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Setyembre 27.
Rumagasa pa rin ang lava sa Bonga, Mi-isi at Basud Gullies at umabot ng 3.4 kilometro.
Babala pa ng ahensya, pinaiiral pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa posibilidad ng pagputok nito.
Isinailalim pa rin sa Level 3 ang alert status ng Mayon Volcano, ayon pa sa ahensya.