Pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez si “Wowowin” host Willie Revillame sa kanilang showbiz vlog na “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Setyembre 25.

“Binanatan” kasi umano ng bashers si Willie matapos lumutang ang sinabi ng CEO at president ng government broadcaster na si Jose Policarpio, Jr. na gagawa umano si Willie ng game show para sa mga “lowest of the lowest” sa PTV 4 at IBC-13.

“Umangat ang ating mga kababayan. ‘Wala na ba kayong ibang termino na puwedeng gamitin para iangkop sa aming mahihirap? Ano ‘to? Parang poorest of the poor? Lowest of the lowest?’

“At ang sabi: ‘Alam mo Willie Revillame’, sabi naman ng mga bashers niya, ‘hindi ka naman talaga nagtatrabaho, e, para yumaman. Ikaw ay gumagamit ng taumbayan para yumaman’,” pagbabahagi ni Cristy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa ni Romel, binansagan pa umanong network ng hampaslupa ang lilipatang istasyon ni Willie.

Pero hindi umano sila sang-ayon na ginagamit lang umano ni Willie ang mahihirap dahil litaw naman ang sinseridad nito sa pagtulong sa mga nangangailangang kababayan.

“Wala pong makakasukat niyan. Diyos lamang. Hindi natin puwedeng sabihin ‘yung poorest of the poorest, lowest of the lowest. Na si Willie Revillame daw po ay gumagawa lang ng programa para sa kaniyang sariling kapakanan,” wika pa ni Cristy.

Samantala, tuloy na tuloy na umano ang “Wowowin” sa PTV 4 at IBC-13. Bagama’t inamin umano ni Willie na hindi siya makakatapat sa mga noontime show kaya magiging panggabi ang timeslot ng kaniyang nasabing programa.

MAKI-BALITA: Wowowin, mapapanood na sa PTV-4, IBC-13?