Pumanaw na ang “Harry Potter” star na si Michael Gambon sa edad na 82, ayon sa ulat ng Agence France-Presse nitong Huwebes, Setyembre 28.

Sa inilabas na pahayag sa ngalan ng pamilya, pumanaw ang British actor sa isang ospital.

National

‘Julian’ isa na lamang LPA; nasa labas na ng PAR

"We are devastated to announce the loss of Sir Michael Gambon," saad ng pahayag.

"Beloved husband and father, Michael died peacefully in hospital with his wife Anne and son Fergus at his bedside, following a bout of pneumonia."

Kilala si Gambon sa kaniyang role bilang “Albus Dumbledore” sa anim na Harry Potter films. Bukod dito, kilala rin siya sa Britanya dahil sa kaniyang pagganap bilang isang French detective sa ITV series na "Maigret," at sa kaniyang 1986 role na Philip Marlow sa "The Singing Detective."

Napanood din siya sa ilang pelikula kagaya ng The Cook, the Thief, His Wife and Her Lover, Sleepy Hollow, The Insider at Gosford Park.

Nanalo rin si Gambon ng apat ng television BAFTAs at isang Olivier award sa kaniyang halos dekadang acting career sa telebisyon, pelikula, radyo, at teatro.