Tinatayang aabot sa 530 kilo ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga kamakailan.

Ito ang isinapubliko ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes at sinabing nagmula pa sa Thailand ang illegal drugs.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Inihalo aniya ang droga sa iba pang produktong katulad ng pork rinds at dog food at dumating sa bansa nitong Setyembre 18.

Nabisto ang nasabing droga sa isang bodega sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City, Pampanga nitong Setyembre 24, ayon sa mga sumalakay na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, NBI at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Nakalusot ang kargamento sa Port of Subic, ayon sa NBI.

Ito na ang pinakamalaking nahuling illegal drugs sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ayon kay Remulla.

PNA