Muling kinalampag ng social media personality na si Rendon Labador ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil may pinaiimbestigahan ito tungkol sa paghila umano ni Vice Ganda sa scarf ni Jhong Hilario sa “It’s Showtime" noong nakaraang taon.

Sa isang Instagram story nitong Miyerkules, Setyembre 27, ibinahagi ni Rendon ang screenshot ng umano’y paghila ni Vice ng scarf na nakasuot sa leeg ni Jhong sa ">Miss Q and A segment ng “It’s Showtime” na umere noong Agosto 17, 2022.

Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa 'lubid' na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

Screenshot mula IG story ni Rendon

“Hindi na pataasan ng RATINGS ang uso sa mga noontimes shows ngayon, kundi paramihan na ng VIOLATIONS. Number 1 parin yata ang #ItsShowtime pagdating sa violations. Lahat ng award nakukuha ni Vice,” saad ni Rendon.

“MTRCB, paki-imbestigahan nga ito at pakidagdag sa mga violations kung maaari. Dapat sila ang tanggalin ninyo sa internet at hindi ako!” sabi pa ng social media personality.

Hindi ito ang unang beses sinita ni Rendon si Vice.

Matatandaang napabalita ang pagsita niya kina Vice at sa partner nitong si Ion Perez dahil sa ilang eksena sa “Isip Bata” noong Hulyo 25, kung saan makikita umanong kumain ng icing ng cake sina Vice at Ion sa kani-kanilang mga daliri habang nasa harapan daw sila ng mga batang kasama sa segment na sina “Argus,” “Kulot,” at “Jaze.”

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Samantala, ang pinakabagong isyu ngayon na kinahaharap ng MTRCB ay ang muling pagkalampag ng netizens dito matapos ang naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng noontime show na E.A.T.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

KAUGNAY NA BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

https://balita.net.ph/2023/09/25/mtrcb-naglabas-ng-pahayag-hinggil-sa-lubid-na-banat-ni-joey-de-leon-sa-e-a-t/