Muling nag-collab ang dalawang Kapamilya stars na sina Ivana Alawi at Andrea Brillantes sa vlog nitong Linggo, Setyembre 24.

Mapapanood ito sa vlog naman ni Blythe. Sa pagkakataong ito, nagkunwaring twinny ang dalawa sa loob ng isang araw. Para maging makatotohanan ang kanilang pakulo, binigyan nila ng call sign ang isa’t isa. “Kam” ang tawag ni Andrea kay Ivana samantalang “Bal” naman ang tawag ni Ivana kay Andrea. At di lang ‘yun, pareho rin ang kanilang suot na outfit mula pagkagising hanggang sa paggala sa Rockwell.

Pero tila pati sa pag-ibig ay pareho din sila ng kapalaran.

Noong nasa Rockwell kasi sila, nabanggit ni Ivana na bibili umano sila ng laruan. Pagkatapos, biglang bumanat si Andrea ng hugot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e,” sabi ni Andrea.

“Sasabihin ko ‘yan,” natatawang tugon naman ni Ivana.

“Kambal talaga tayo.”

“Lagi kasi kaming pinaglalaruan so we’re gonna play na lang.”

“Yeah! Gusto n’yo ‘to e di ba. Play-play lang di ba. Play time lang.”

Agad namang inawat ni Ivana si Andrea dahil baka lalo pang humaba at kung saan pa mauwi ang hugot nito.

Matatandaang nagsama na rin ang dalawa kamakailan sa vlog naman ni Ivana kung saan ni-reveal nila ang toxic characteristic ng isa’t isa. At di lang ‘yun, ini-spill din doon ni Andrea ang kaniyang first celebrity crush.

MAKI-BALITA: Ivana nagpaiyak ng mga lalaki, Andrea, relate-much: ‘Buti nga sa’yo!’ – Balita

MAKI-BALITA: Ivana at Andrea nagsama sa mukbang; Blythe aminadong ‘gantitera’ – Balita

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes first crush si Paul Salas: ‘Crush na crush ko siya noon!’ – Balita