Aminado ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na naging babaero siya noon.
Isa sa mga napag-usapan nang mag-guest si Rocco sa “">Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Setyembre 25, ang tungkol sa scam sa pera at matapos ito, itinanong ng host ang aktor kung na-scam na rin ba siya sa pag-ibig.
“Sa totoo lang, Tito Boy, I think sa mga articles na nababalita sa akin parang for the longest time… hindi ako makuntento sa isang babae, may backstory po yan,” saad ni Rocco.
“Kasi sa unang karelasyon ko, niloko po ako. Na-scam ako dahil kaibigan ko pala ‘yung jinowa niya nang malaman ko. So ang naging defense mechanism ko, ‘Ay hindi. Mambababae ako.’ So everytime noong college ako, paiba-iba ako ng shino-syota. Naging heart breaker po ako,” kuwento ng aktor.
Aminado naman din ang aktor na mali ang ginawa niya, “Many-many years akala ko ‘ah ganoon dapat ‘yon’ until I stayed single for longest time, mga two years. Doon ko natutunan na mahalin ang sarili ko muna. Then, na-appreaciate ko.”
Ngayon ay happily married na si Rocco sa volleyball player na si Melissa Gohing at mayroon na silang isang anak na lalaki na si Ezren Rafaello.
Kasalukuyan ding mapapanood ang aktor sa “The Missing Husband” ng GMA Network.