Nagpaabot ng pasasalamat ang Kapamilya actress, singer, at model na si Maymay Entrata sa kaniyang Instagram account nitong Lunes, Setyembre 25, dahil naging bahagi siya ng “ASAP Natin ‘To in Milan”.

“Maraming salamat po Asap Kapamilya in Milan sa napakasayang experience kasama po kayo!! 🤍

“Maraming salamat din po Asap family sa oportunidad na makapag perform sa entablado kasama ang aking mga hinahangaang artista at mga designers,” saad ni Maymay sa caption ng kaniyang Instagram post.

Para kay Maymay, isa umanong malaking karangalan na maging bahagi ng kinalakhan niyang entertainment show na dati’y pinapangarap niya lang.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Masaya naman ang mga netizen sa achievement na ito ni Maymay. Sa katunayan, nagpaabot pa sila ng pagbati para sa aktres. Narito ang kanilang mga komento:

“Youve come a long way , Marydale:) happy for you:)”

“Ayun na ngaaaa!!!! I'm soooo proud of Meymey!!!!! Congratulations!!!!! Love youuuuu!!!!!!” ❤️❤️❤️

“I AM SO PROUDDDDDDDDD 🔥🔥🔥🔥 I LOVE YOU!!!! SEE YOU SOON 🥰🥰🥰”

“whahahhaa our 🤸🔥 AMAKABOGERA QUEEN 👑💖 👸”

“wowww iba ka may!! ❤️❤️😍😍”

“Ahahaha...labyu dzai..apakacute mo pero kabogera yarnnn🔥🔥🙌🙌”

Matatandaang kamakailan lang ay flinex din ni Maymay ang kaniyang digital billboard na tampok sa Time Square.

MAKIBALITA: ‘Amakabogera!’ Maymay Entrata tampok sa digital billboard sa Times Square – Balita