Kamakailan lamang ay usap-usapan ang direktang pagsita ng aktor na si Aga Muhlach sa anak na si Andres Muhlach matapos niya itong maispatang ngumunguya ng chewing gum habang nakikipag-usap sa media people.

Kahit na maraming nakapaligid na tao sa kanila ay inutusan nga ng aktor si Andres na iluwa ang nginangata nito habang sumasagot sa mga tanong ng mga reporter sa kaniya.

Agad namang tumalima si Andres at iniluwa ang chewing gum gamit ang tissue paper.

"Pasensya na kayo ha," natatawang sabi ni Aga, habang nagbibirong para siyang manager ni Andres.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nangyari ito sa wake ng yumaong talent manager na si Ethel Ramos.

Thumbs up naman ang ginawang disiplina ni Aga sa kaniyang anak na si Andres, na mukhang papasukin na rin ang mundo ng showbiz.

Subalit may ilang nagsabing dapat ay mas subtle pa ang ginawang paninita ni Aga dahil hindi naman na raw bata ang kaniyang junakis.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na nakalap ng Balita:

"Aga could’ve faked joining his son put his arm around Andres’ shoulders & whisper his instruction. His son is already an adult. It’s not right for any person even if they’re related to each other to correct/call out his mistake publicly. My opinion."

"Tama nga naman. Mga kabataan nowadays wala nang pakialam sa mga ganyan eh. Kudos to Aga!"

"Parang napahiya naman si Andres sa harap ng press. So paano kaya siya magdisiplina ng anak kapag sila-sila na lang?"

"It's a way of being respectful, tama lang."

"Ano bang masama sa pagnguya ng chewing gum? Kabastusan ba 'yon? Enlighten me."

"That's what you call discipline. Kudos to Aga and Charlene sa pagsita kaagad sa anak."

Samantala, si Atasha Muhlach naman na babae nilang anak ay bahagi na ng noontime show na "E.A.T."

MAKI-BALITA: Atasha Muhlach, bagong Dabarkads

Kamakailan lamang ay pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency bilang bagong talent.

MAKI-BALITA: Anak nina Aga at Charlene Muhlach na si Atasha, isa nang ‘VIVA artist!’