Isiniwalat ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa kaniyang programang “Iskovery Night” nitong Biyernes, Setyembre 22, na may kalook-alike umano siyang pornstar.

Dumako kasi sa porn ang kuwentuhan nina Isko at ng kaniyang guest na si Wacky Kiray. Kaya bigla tuloy niyang naalala ang pornstar na kalook-alike niya. Maging si Kiray ay pamilyar din sa nasabing pornstar. Pareho nilang kinapa sa sulok ng kanilang alaala ang pangalan nito.

“Jeff Stryker,” halos sabay na bigkas ng dalawa saka tumawa.

Pina-pose pa ni Kiray si Isko nang mala-Jeff Stryker para lalong makuha ang pagkakahawig nito sa nasabing pornstar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Lahat ng bading na nanonood ng porno noong araw, would always say, alam mo, Isko, kamukha mo si Jeff Stryker,” kuwento n Yermo.

Kasalukuyang co-host si Isko sa Eat Bulaga kung saan niya kasama sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya at iba pa.

Matatandaang niyaya pa niya kamakailan na mag-join umano si Jelai Andres sa longest running noontime show na “Eat Bulaga”.

https://youtu.be/QT_wpIHN6ag?feature=shared